bc

POSSESSIVE [R-18]

book_age18+
226
FOLLOW
1.7K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Napariwara ang buhay ni Samantha dahil na rin sa kan'yang pamilya. Ang tingin sa kan'ya ng mga ito ay walang silbing anak kahit ginawa niya na ang lahat. Gusto rin naman niyang pahalagahan din siya kung ano man siya. Pero sa nakikita nila kay Samantha ay puro pagkakamali ang napupuna nila. Isa na rin doon si Ethan kung bakit nadagdagan ang hinanakit sa kan'yang dibdib. Matagal niya ng mahal ang kuya Ethan niya ngunit binawela lang siya. Hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahang mangyari sa buong buhay niya na muntikan na siyang mabaliw. Bumalik ang lahat ng kahilingan niya na sana ay mahalin din siya ng kan'yang pamilya ngunit hindi na maibabalik pa ang dating Samantha na isang mabait at marupok. May pag-asa pa kaya si Ethan na maibalik ang dating si Samantha kung ayaw na nito sa kan'ya dahil na rin sa nangyari sa kan'ya na hindi niya kailanman malilimutan?

chap-preview
Free preview
Prologue
ETHAN POV. "Kuya, huwag mong ituloy 'yan! Magagalit si ate sa ginagawa mo. Lasing ka lang kuya." Ani niya kahit hindi naman ako gaanong lasing. Agad na huminto ako sa pagtatanggal ng aking damit nang matauhan ako. Damn it! I want her. Gusto siya ng aking katawan. Gusto kong maramdaman ng aking palad at haplusin ang kan'yang makikinis na balat. Pero paano ko magagawa kung may parte sa aming dalawa ang pumipigil. Pero may part din sa akin na gusto ko siyang angkinin. Paano ko matatanggal ang init ng aking katawan kung patuloy ko lang itong iiwasan. Mababaliw ako kung hindi ko ito gagawin sa kan'ya. Mas lalo lang akong mababaliw kung hindi lang din siya mapapasaakin. Alam kong mali ito. Pero ito ang sinisigaw ng puso ko at damdamin ko. Galit ako sa sarili ko dahil sa nararandaman ko para sa kanilang dalawa. Gusto kong ibuhos ngayong gabi at ipadama kay Samantha na gusto ko siya. Gusto ko ng makalaya sa nararamdaman ko para kay Samantha. Hindi lang ito isang pagnanasa dahil totoong mahal ko siya. Pero hindi pwede dahil may asawa ako at kasal kaming dalawa. Galit na galit din ako sa tuwing may lalaking dumidikit sa kan'ya. Halos magalit na ko kay Samantha dahil gusto ko lang na iwasan niya ang mga lalaking umaaligid sa kan'ya. Kulang na lang ay bakuran ko siya na parang isang tunay kong asawa ang turing ko sa kan'ya. Inis na naupo ako sa gilid ng kama habang sinasabunot ang aking buhok. Ramdam kong tinabihan ako ni Samantha. Hindi ko siya magawang tingnan dahil nadadarang lamang ako at baka matuloy lang ang binabalak kong gawin sa kan'ya. Ang pagnanasang matagal ko ng gustong gawin ito sa kanya. Kung may pagkakataon man na magawa ko ito sa kan'ya, ang bagay na matagal ko ng inililihim itong pagnanasang kay tagal kong hinintay ay hindi ko na ito uurungan pa. "Kuya, may problema ba?" Sabay hawak niya sa aking braso. Bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan. Mabilis lang uminit ang katawan ko sa tuwing hinahawakan niya ang ibang parte ng katawan ko. "Samantha.. Please, huwag mo na kong dikitan o hawakan. Baka hindi na ko makapagtimpi sa gagawin ko sayo. Haplos mo pa lang, nadadarang na ko." Agad naman niyang binitiwan ang braso ko. "I'm sorry kuya, kahit hindi mo sabihin sa akin ang problema mo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Ano sa tingin mo kuya yang ginagawa mo? May asawa ka. Asawa mo si ate. Pero mali talaga itong ginagawa mo. Bigla ka na lang papasok sa kuwarto ko na hindi alam ni ate na narito ka. Hindi ka ba natatakot kay ate ha?" Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway nang bumaba ang malikot kong mga mata sa kan'yang malulusog na dibdib. Ito ang bagay na ito ang palagi kong kinababaliwan sa kan'ya. Oo, alam kong hanggang tingin lang ako sa kan'ya. Pero dapat pa nga ba akong magtiis ng ganito? "Samantha, mahal mo pa ba ako? Sabihin mo sa akin kung mahal mo pa rin ako," tanong ko na kinagulat niya. Hindi siya nakasagot agad sa tanong ko. Alam kong may natitipuhan na siyang ibang lalaki at iyon ay si Haden, ang Doktor na siyang may-ari ng hospital na kan'yang pinapasukan. Hangga't kaya ko pa siyang bakuran. Hindi mangyayari ang nais ni Samantha na sila ang magkakatuluyan kahit sabihin niyang may anak silang dalawa. Hindi ako papayag na maging sila. At iyon ang pinakaiinisan na nangyari sa buhay ko kung hahayaan ko lang siyang mapunta sa iba. Kahit anong pagbabantay ko sa kan'ya noon, nakalusot pa din si Samantha at Haden sa akin. "Totoo bang anak niyo ni Haden si Sarah?" Bigla kong tanong. Natulala siya sa tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi mo na dapat na tinatanong yan kuya. Isa pa, itigil mo na ito. Walang mangyayari kung patuloy ka lang sa ginagawa mo." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakislot siya nang hawakan ko ang braso niya. "Wala kang magagawa Samantha kung ito ang gusto kong gawin. Kaya kong hiwalayan ang ate mo kung iyon ang gugustuhin natin. Walang mali sa ginagawa ko. Mahal kita Samantha. Kaya kong tanggapin ang anak niyo ni Haden. Pero kung hindi ka papayag sa gusto ko, I will be a possessive brother-in-law na hindi mo kailanman matatanggihan iyon. Asahan mo yan Samantha. Hindi ako papayag na mapunta ka lang sa iba." "Hindi mo pwedeng gawin yan sa akin kuya," singhal nito. "Please kuya, nahihirarapan din ako sa sitwasyon nating tatlo. Maling mali itong ginagawa mo," giit niya. Hindi ko siya pinakinggan dahil sa galit na nararamdaman ko. Tumayo ako at kinuha ang damit na nahulog sa sahig. Akmang isusuot ko ang aking damit nang yakapin niya ko mula sa aking likuran. "Kuya," nahihikbing sambit nito. Umiiyak siya na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Ramdam ko din ang kan'yang malulusog na s*so na dumiin sa bahaging likod ko. Sh*t! Nabuhay muli ang alaga ko dahil sa ginawa niya. "Samantha," hinarap ko siya at nang makita ko ang reaksyon ng kan'yang mukha ay parang may part sa kan'ya na nahihirapan talaga siya. Kumunot ang noo ko. "Samantha, tell me the truth. May nais ka bang sabihin sa akin? Please, tell me. Para alam ko at alam ko kung paano ko ito aayusin." Giit ko. Umiling lang siya pero pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sabi. "Wala akong sasabihin kuya. Gusto ko lang na itigil mo na ito. Pero kung ito ang nais mo kuya, sana mapag-isipan mo pa ito ng tama. Huwag mong gawin sa akin ito dahil hindi ako kailanman magiging iyo. Pagsisisihan mo lang ito kuya. Nagmamakaawa ako sayo kuya," pagsusumamo nito. Tinitigan ko siya sa mga mata niya habang nagtatangis ito ng luha. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa sarili ko. Gusto lang naman niya na iwasan ko na siya pero ako lang ang may ayaw. Pero hindi ako pumapayag sa nais niyang mangyari. Mariin kong hinawakan ang braso niya. "Ako? Maaawa sayo Samantha? Never Samantha hangga't hindi ka magiging akin! Kaya kong gawin ang lahat para sa ating dalawa Samantha pero ikaw ang may ayaw." Sabay bitaw ko sa braso niya. Kaagad kong sinuot ang aking pantalon. Nang matapos kong suotin ito ay agad na kong lumabas ng kan'yang silid na hindi na siya nililingon pa. Dinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa kahit magdusa pa siya sa ginagawa ko. Kahit na anong mangyari, hindi ko siya pakakawalan dahil mahal ko siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook